Halos 120 Bilyong pisong halaga ng mga naantala at hindi naipatupad na proyekto ng DPWH, kinuwestyon ng Commission on Audit

Pinuna ng Commission on Audit ang nasa 118 Billion pesos na halaga ng proyekto ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y lumabag sa batas.

Ayon sa COA, delayed o hindi naipatupad ang mga kwestyunableng mga proyekto.

Bigo rin umano ang DPWH at mga consultant nito na ikunsidera ang ilang bagay sa paunang pag-aaral ng proyekto.


Kabilang dito ang kalamidad, peace and order, isyu ng right of way, kaukulang clearance sa lokal na pamahalaan o permit mula sa National Governments, at iba pang bagay ukol sa contractor.

Ayon naman sa DPWH, naglabas na sila ng demand letter at notices sa mga contractor para matapos agad ang proyekto.

Naglatag na ang COA ng mga hakbang para maging maayos ang proyekto at maiwasan ang mga delay.

Facebook Comments