Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,198 na panibagong kaso ng COVID-19 kahapon.
Mas mataas ito kumpara sa 832 na kaso noong Martes.
Dahil dito ay umakyat na sa 10,323 Mula sa 10,032 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa DOH, pinakamarami sa mga naitalang kaso sa nagdaang dalawang linggo ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 6,020 na kaso; at sinundan naman ito ng Calabarzon na may 2,478; Western Visayas na may 1,078,; Central Luzon na may 899; at Central Visayas na may 574.
Sa kabuuan, 3,711,268 na ang tinamaan ng naturang virus habang nasa 3,640,323 na ang gumaling.
Samantala, nasa 5,709 naman ang bed occupancy sa bansa o katumbas ng 19.6%, habang nasa 23,468 pa ang nanatiling bakante.
Facebook Comments