
Tinangkilik ng mga mananakay ang pagsisimula ng “12 Days of Christmas: Libreng Sakay” ng Department of Transportation (DOTr) sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 kahapon.
Naitala ng MRT-3 ang 11,985 na mananakay, kung saan karamihan ay mga senior citizen na naserbisyuhan ng libreng sakay.
Samantala, ngayong araw, makikinabang naman sa libreng sakay ang mga estudyante.
Inaasahan naman ng pamunuan ng MRT-3 na tataas pa ang bilang ng mga pasahero habang papalapit ang Kapaskuhan, ayon kay MRT-3 General Manager Mike Capati.
Ayon sa kaniya, ilan sa mga pasaherong ito ay pinipiling sumakay na lang sa MRT-3 dahil sa mabigat na daloy ng trapiko.
Facebook Comments










