Halos 12,000 paaralan, nanganganib na bahain bunsod ng pagtama ng Bagyong Uwan sa bansa —DEPED

Maaring umabot sa humigit-kumulang 12,000 na paaralan ang maapektuhan bunsod ng pagtama ng Super Typhoon Uwan sa bansa ayon sa Department of Education (DepEd) Disaster Risk Reduction and Management Service.

Sa kanilang huling inilabas na ulat ng DepEd-DRMMS, posibleng umabot sa 11,968 na paaralan mula sa 120 na division ang nasa panganib ng pagbaha habang 12,747 mula naman sa 110 na division ang maapektuhan ng panganib ng landslide bunsod ng malakas na ulang dala ng bagyo.

Kung saan Region 3 ang may pinakamaraming paaralan na maaring bahain na may 2,936 na bilang ng paaralan habang CALABARZON naman ang may maraming bilang ng paaralan apektado ng landslide na nasa 2,786.

Pinaalalahanan ng ahensya na patuloy ba makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at DRRM offices upang masiguro ang kahandaan sa emergency response at i-activate ang School Disaster Risk Reduction Management Teams at contigency plan para sa inaasahang pagbaha, landslide, at daluyong.

Samantala, pina-iingatan rin ng ahensya ang mga learning materials ng mga paaralan at pinahahanda emergency supplies at resources.

Facebook Comments