Aabot sa 12,970 doses ng COVID-19 vaccine ang nasayang lang ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga dahilan ng pagkasayang ay dahil sa temperatura, pagbiyahe sa mga ito, kawalan ng label at pagkakaroon ng particulate matter.
“Itong temperature excursions, merong nagkaroon ng sunog sa Cotabato at Ilocos Norte dati kung saan ang ilang bakuna natin ay nadamay sa pagkasunog. Merong nabalitaan na wastage dahil sa transport, dun sa bangka na sinasakyan nila may issue na parang nalubog ang vaccine transport boxes doon,” ani Vergeire.
Batay sa National Task Force Against COVID-19, aabot na sa 90.61 million doses ng COVID-19 vaccine ang natanggap ng bansa.
Sa nasabing bilang, 51.48 million dito ang naibigay na sa ating mga kababayan.