Halos 13,000 kabataan na may comorbidity, nabakunahan na laban sa COVID-19

Umabot na sa 12,958 na kabataan edad 12 hanggang 17 na may comorbidity ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., mula sa inisyal na walong ospital na kinuha para sa pediatric vaccination, nasa kabuuang 26 ospital na ito ngayon.

Aniya, layon ng pediatric vaccination na maprotektahan ang mga kabataan sa COVID-19 lalo na’t umabot sa 17 hanggang 20 percent sa kanilang populasyon ang tinamaan ng virus.


Maliban dito, mahalaga rin aniya ang pagbabakuna sa mga bata kasabay ng nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes.

Giit ni Galvez, sa ganitong paraan ay mas madali na ring mapayagan na makalabas ng bahay at makapaglaro ang mga bata na tulong na rin sa kanilang mental health.

Facebook Comments