Halos 13,000 Pinoy repatriates, napauwi ng DFA

Umaabot na sa 12,970 na Pinoy seafarers ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang pagtama ng COVID-19 sa iba’t-ibang bansa.

Karamihan sa naturang Pinoy crew members ay mula sa mga cruise ship sa Amerika na naipit sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang mga umuwing OFWs ay pawang sakay ng mga chartered flights na ginastusan ng gobyerno ng Pilipinas.


Sila ay kapwa sumailalim sa mandatory quarantine inspection at briefing ng Department of Health (DOH) nang dumating sila sa Pilipinas.

Facebook Comments