Matagumpay na sinira ng DTI Pangasinan ang mga kagamitang hindi sertipikadong mga produkto na nasamsam mula sa lokal mga tindahan sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan.
Sa datos, pumalo sa kabuuang P134,189.60 na halaga ng hindi sertipikadong mga produkto na nakuha sa mula sa lokal mga tindahan sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Ito ay matapos isinagawa ng ahensya ang monitoring sa mga tindahan sa lalawigan kung saan nakumpiska ang mga produkto gaya ng LED Lights, compact fluorescent lamp, monobloc na upuan, lighter, christmas lights, snap switch, plug, baterya ng motorsiklo at pvc electrical tape.
Present sa destruction ceremony ang mga kawani ng DTI Regional Office 1 Director Zaldy Z. Zafra Jr, DTI Provincial Director Natalia Dalaten, Mayor Belen T. Fernandez, Dagupan City Mayor, Department of Public Works and Highways, Bureau of Fire Protection, Commission on Audit at marami pang iba.
Ayon kay Direktor Natalia BAsto-Dalaten, nasamsam ang mga produkto kung saan kanilang natagpuan na walang mga safety marks sa ilalim ng Philippine Standard (PS) marking and Import Sticker ng Commodity Clearance (ICC).
Hinihikayat ngayon ng ahensya na suriing mabuti ng mga mamimili ang mga marka ng PS at ICC bago bilhin ang mga produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments