HALOS 13K NA PAMILYA SA BAYAN NG SAN NICOLAS, NAKATANGGAP NG PAMASKONG HANDO

Matagumpay na naisagawa ang ‘Panag-ayat ni dok’, isang pamamahagi ng alkalde ng holiday pack para sa mga pami-pamilya sa bayan ng San Nicolas.
Nasa humigit-kumulang labin-tatlong libong pamilya ang nakatanggap ng holiday pack bilang handog at panghanda sa kapaskuhan ng mga residente rito.
Katuwang ng alkalde ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas at mga kawani ng barangay sa pamamahagi.

Personal ding iniabot ng alkalde ang mga holiday pack sa bawat pamilya at hinimok ang mga ito na ipagdiwang ang isang makabuluhang holiday season kasama ang kanilang mga pamilya at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyaya.
Samantala, tiniyak naman ng alkalde ang suportang ibibigay ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas antuman ang kinakailangan ng mga residente sa nasabing bayan. |ifmnews
Facebook Comments