Halos 140 kaso, isinampa laban sa mga local officials na sangkot sa anomalya sa SAP

Aabot na sa 139 na kaso ang inihain laban sa local government officials na sangkot sa anomalya sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nasa 459 ang naghain ng reklamo para maimbestigahan ang 649 suspects.

Ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ay nakapaghanda ng 250 cases, kung saan 139 dito ay inihain sa piskalya.


Nasa 885 private individuals naman ang inaresto dahil sa iba’t ibang klase ng krimen tulad ng hoarding, profiteering at pagmamanipula ng presyo.

Facebook Comments