Ipinawalang bisa ng Bahrain ang nationality ng nasa 138 katao na na-convict dahil sa terorismo sa isinagawang mass trial.
Nasa 69 na terror suspects ang hinatulan ng high criminal court ng habambuhay na pagkakakulong.
39 na defendants ay sinentensyahan ng 10-year imprisonment, habang 23 ay nasa 7-years imprisonment.
Nasa 30 suspects naman ang na-acquit.
Inakusahan ang mga ito na nagtatangkang bumuo ng terror group sa kanilang bansa na suportado ng elite revolutionary guards ng Iran.
Target din ng mga ito ang oil installations at vital locations para sa destabilization ng Bahrain.
Samantala, binatikos naman ng amnesty international ang ruling bilang isang “mockery of justice”.
Facebook Comments