Halos 14,000 , bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 13,812 na mga bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

8,719 naman ang bagong kaso at 159 ang bagong binawian ng buhay.

Umaabot na ngayon ang total COVID cases sa bansa sa 979,740 at ang aktibong kaso ay 102,719.


Ang total recoveries naman ay 860,412.

Ang total deaths naman ay 16,529.

Facebook Comments