
Iginiit ng Malacañang na dapat matukoy at makita rin ang halos 13,917 flood control projects na iniulat na nagawa noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mahalagang silipin ang mga proyektong ito dahil ginagamit umano ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang isyu ng pagbaha para guluhin ang administrasyon ng kasalukuyang pamahalaan at pagtakpan ang mga anomalya noong nakaraang administrasyon.
Kailangan aniyang malaman kung nasaan at ano ang naging resulta ng libo-libong flood control projects, lalo’t patuloy ang malawakang pagbaha sa kabila ng dami ng mga proyektong dapat sana’y pumigil dito.
Dagdag pa ni Castro, importanteng maipakita ang tunay na epekto ng mga proyekto upang mabigyan ng kasagutan kung bakit nananatiling problema ang pagbaha sa bansa.









