
Umabot na sa 145,983 ang mga gurong na-promote ng Department of Education (DepEd).
Kabilang sa mga nataasan ng ranggo ang mga beteranong guro na malapit nang magreritiro at naghihintay na lamang ng pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon sa DepEd, bahagi ito ng panibagong reporma ng pamahalaan na tugunan ang matagal nang backlog sa promosyon mg mga guro.
Tiniyak naman ng Education Department na magpapatuloy ang pagpapabilis ng DepEd sa reporma sa karera ng mga guro.
Sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Angara, 58,918 promosyon na ang naiproseso—kabilang ang 16,025 guro na may naibigay nang opisyal na appointment papers, habang 39,296 na aplikasyon para sa reclassification at karagdagang 1,887 kaso ng mga retirable Teacher I ang kasalukuyang naghihintay ng pag-apruba ng DBM.









