HALOS 14K PAMILYA SA ILOCOS REGION, NAALIS NA SA LISTAHAN NG BENEPISYARYO NG 4PS

Iniulat Department of Social Welfare and Development Field Office 1 na halos nasa 14,000 na pamilya sa Ilocos Region ang naalis sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Sa State of DSWD Region 1 Address, inihayag ng kagawaran na nasa 6, 402 ang nag graduate na bilang non-poor. Lumalabas din na nasa 7, 152 ang nag-waive sa kanilang slots bilang benepisyaryo.
Ngayong taon naipamahagi na ang 97% pondo o 4, 629,387, 425 ang kagawaran sa 204, 923 benepisyaryo sa Region 1.

Ang benepisyaryo ng rehiyon ay 5% ng 44 milyong 4ps sa buong bansa.
Samantala, nasa 13 LGUs din sa rehiyon ang nagsumite na ng kanilang 4ps data sharing na magagamit ng kagawaran upang mas mapabuti ang mga programa para sa mga benepisyaryo. |ifmnews
Facebook Comments