Halos labing limang libong kilo ng relief goods ang naihatid na ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Usman.
Sabi ni Air Force spokesperon Aristides Galang, ang mga miyembro ng 505th Search and Rescue Group ang nanguna sa humanitarian at relief operations katuwang ang 220th Airlift Wing.
Partikular na nagpunta ang mga ito sa mga lugar na hindi na kayang pasukin ng sasakyan sa Bicol area.
Gumugol aniya ang Air Force ng labing tatlong flying hours sa mga air asset nito kung saan kabilang sa mga ginamit ay ang Super Huey, UH-1D at C-295 aircraft.
Ilan sa mga lugar na hinatiran ng tulong ng Air Force gamit ang air drop ay ang Sitio Peñafrancia, Barangay Sagrada sa Nabua, mga bayan ng Buhi at San Miguel sa Camarines Sur.