Umabot na sa 1,499 indibidwal o 344 pamilya ang nananatili sa mga evacuation centers matapos ang phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal.
Batay sa Batangas Provincial Police Office (PPO), 1,126 residente mula sa Laurel ang nananatili sa pitong paaralan habang ang 118 indibidwal mula Talisay ay nanunuluyan sa temporary shelter sa Calamba Regional Government Center at ang 255 iba pa na mula sa Balete ay nasa Malabanan Elementary School.
Naka-deploy na rin ang 64 search and rescue personnel habang 12 personnel ang nananatili sa mga evacuation areas.
58 indibidwal naman ang piniling bumalik sa kanilang tahanan sa Agoncillo at Sto. Tomas.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabuuang 13 barangay sa Batangas ang apektado ng pag-aalburuto ng bulkan.