Halos 1,500 katao, nasampolan sa unang araw ng pagpapatupad ng dalawang linggong uniform curfew sa Metro Manila

Umabot sa 1,449 violators ang nahuli ng mga otoridad sa unang araw ng pagpapatupad ng dalawang linggong uniform curfew sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID Shield Commander PLt. Gen. Cesar Hawthorne Binag kasunod nang mahigpit na pagpapapatupad ng mga otoridad sa curfew hour.

Sa lungsod ng Maynila, halos 200 na pasaway na residente ang hinuli kabilang na ang 45 na menor-de-edad matapos na lumabag sa curfew hour na alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.


Halos 30 katao naman ang nasampolan sa Quezon City kung saan ang ilan ay naharang sa mga checkpoint.

Sa Caloocan City ay 83 ang dinampot kabilang na ang siyam na kabataan habang may mga nahuli naman na walang suot na face mask at face shield sa Malabon.

Ang mga nahuli naman sa Navotas City ay obligadong sumailalim sa RT-PCT test.

Batay sa pinagkasunduan ng Metro Manila mayors, ang mga mahuhuling lumabag sa curfew hour ay pagsasabihan at pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000.

Facebook Comments