Nagdeklara na ng ‘persona non grata’ ang aabot sa 1,436 Local Government Units (LGUs) laban sa mga Communist Terrorist Group (CTG) sa kanilang lugar.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson for Barangay Development Program Jonathan Malaya, mariing kinokondena ng naturang mga LGUs ang mga gawain ng CTG at nagpasa na rin sila ng resolusyon ukol dito.
Kasama sa mga itinuturing na ‘persona non grata’ o hindi pwedeng tumuntong sa kanilang lugar ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).
Sa ngayon sa kabuuang 17 rehiyon sa buong bansa, anim na rehiyon ang mayroong nang 100% deklarasyon ng persona non grata’ sa CTG.
Kinabibilangan ito ng; Central Luzon, MIMAROPA, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at Cordillera Administrative Region (CAR).