Halos 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,491 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, ang kabuuang kaso na ng COVID-19 sa bansa ay 458,044.

Ang aktibong kaso naman ay 28,047 o 6.1%.


Nakapagtala rin ang DOH ng 436 bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 421,086 o 91.9%.

Habang nadagdagan ng 36 ang mga bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 8,911 o 1.95%.

Nangunguna muli ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Rizal, Benguet, Davao City at Laguna.

Facebook Comments