Aabot sa 143,000 na pulis ang itatalaga sa buong bansa para matiyak ang kapayapaan sa araw ng halalan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Bernard Banac, nakahanda na ang PNP para matiyak ang seguridad ng publiko sa May 13.
Kasabay nito, nagpaalala si Banac na patuloy ang maigting na implementasyon ng pulisya ng Election Gun Ban at Checkpoints.
Sa katunayan aniya ay umabot na sa 4,600 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Gun Ban.
Hinihikayat niya rin ang publiko na ipagbigay-alam sa pulis ang anumang mga kahina-hinalang indibidwal para mabilis na makapagbigay ng responde.
Facebook Comments