Halos 150,000 quarantine violators sa NCR, naitala ng PNP sa loob ng dalawang linggo

Mahigit 149,000 na quarantine violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila simula August 2 hanggang 20.
 
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, kabilang dito ang nasa 100,000 na nahuli dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, face shield, hindi pagsunod sa social distancing at paglabag sa mass gathering.
 
Nasa 40,000 naman ang lumabag sa curfew at higit 8,000 ang nagsabing sila ay Authorized person Outside Residence (APOR) pero walang maipakitang ID o kahit anong patunay.

 
98,000 sa kanila ay pinagsabihan lamang, 43,000 ang pinagmulta at higit 7,000 ang pinag-community service.
 
Aabot naman sa 690,000 ang nahuling violators sa buong bansa sa loob ng dalawang linggo.
 
Ayon kay Eleazar, patuloy na ipatutupad ng PNP ang mga patakaran sa mass gathering, travel restriction at public health protocols kahit bahagya nang lumuwag ang quarantine status sa Metro Manila.
Facebook Comments