Halos 160 pasyente sa Pilipinas, nakikibahagi sa solidarity trial ng WHO ayon kay Pangulong Duterte

Umabot na sa halos 160 pasyente sa Pilipinas ang sumali sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa paghahanap ng lunas sa COVID-19.

Sa kanyang weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na 157 pasyente ang nakikibahagi sa clinical trials para alamin kung ligtas at mabisa ang mga posibleng gamot laban sa COVID-19.

Nasa 24 na ospital ang lumahok sa inisyatibo ng WHO, kung saan 16 dito ay aktibong nanghihikayat ng mga pasyente.


Bukod dito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na dalawang sites ang nadagdag kung saan isinasagawa ang clinical trials ng anti-flu drug na Avigan, sa kabuoan ay mayroon ng limang clinical trial sites.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 500 Filipino patients ang hihikayating sumali sa solidarity trial.

Facebook Comments