Halos 16,000 COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 15,820 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

13,573 naman ang bagong kaso habang 228 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,883,088 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay 125,378 habang ang total recoveries ay 1,725,218.

32,492 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay.

Facebook Comments