Halos 16,000 COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 15,805 na gumaling sa COVID-19 sa bansa.

16,694 naman ang bagong kaso habang 398 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,824,051 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Pumalo naman sa 123,935 ang aktibong kaso habang 1,668,520 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 31,596.

Facebook Comments