
Patuloy na nadaragdagan ang mga pamilyang apektado ng Super Typhoon Nando.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 158,571 na indibidwal o katumbas ng 43,463 pamilya ang apektado ng sama ng panahon.
Ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Sa ngayon, nasa 13,888 indibidwal o katumbas ng 4,564 pamilya ang nananatili sa evacuation centers, habang 3,775 katao o 1,608 pamilya ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Samantala, umabot na sa ₱4,687,543 ang humanitarian assistance na naipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.
Tiniyak ng DSWD na sapat pa ang kanilang pondo sa pagtugon sa mga kalamidad, kabilang ang mahigit ₱554 milyon na quick response fund at ₱2.6 bilyon para sa food at non-food items.









