Halos 17-M estudyante, nakapag-enroll na; DepEd, dudang maaabot ang target na 27-M total enrollees

Umabot na sa halos 17 milyong estudyante ang nagpa-enroll para sa pasukan sa Agosto.

Sa datos ng Department of Dducation (DepDd), mula June 1 hanggang July 1, nasa 16,876,175 na ang total enrollees.

Karamihan ay nag-enroll sa public schools na aabot sa 16,123,509 habang 735,881 sa private schools.


Kasama sa mga nagparehistro ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.

Samantala, bagama’t pinalawig na hanggang July 15 ang deadline ng enrollment, duda ang DepEd na makakamit ang target na higit 27 million enrollees ngayong taon.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi nila nakikitang aabot sila sa 80% ng overall target enrollees dahil na rin sa nararanasang health crisis sa bansa bunsod ng COVID-19.

Facebook Comments