Halos 17,000 COVID-19 recoveries, naitala sa bansa ngayong araw

16,759 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

13,827 naman ang bagong kaso habang 118 ang bagong namatay sa virus.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,989,857 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Bahagya namang bumaba ang aktibong kaso sa 145,562 habang ang total recoveries ay 1,810,847.

Ang total deaths ay 33,448.

Facebook Comments