Halos 17,000 pulis na sumasailalim sa schooling, ide-deploy sa eleksyon

Bibigyan ng “election duty” ng Philippine National Police (PNP) ang labing anim na libo at walong daang pulis na kasalukuyang sumasailalim sa “mandatory career courses” at “field training”.

Kahapon ay pinangunahan ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa Camp Crame ang paglipat ng mga nasabing pulis mula sa pamamahala ng PNP Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) patungo sa PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Ang grupo sa Camp Crame ay binubuo ng 1,007 pulis, kabilang ang 611 Police Commissioned Officers (PCO) na nagsasanay ng Officers Senior Executive Course (OSEC), Officer’s Advance Course (OAC), Public Safety Basic Officer’s Course (PSOBC), at 396 Police Non-Commissioned Officers (PNCO).


15,813 PCOs at PNCOs na nasa 17 Police Regional Offices naman ay inilipat sa pamamahala ng mga Regional Task Groups ng PNP Security Task Force NLE 2022.

Mahigpit naman ang paalala ni PNP chief sa mga pulis na magbigay ng propesyonal, mabilis, at magalang na serbisyo sa mga mamamayan sa pagganap nang kanilang election duty.

Facebook Comments