Halos 180 Aftershocks, naitala kasunod ng manitude 6.9 na Lindol, higit 300 istraktura, napinsala

Umabot na sa halos 180 Aftershocks ang naitala kasunod ng 6.9 Magnitude na Lindol sa Davao Del Sur.

Sa huling monitoring ng PHIVOLCS, nasa 179 Aftershocks na ang kanilang na-record at patuloy pa itong tataas.

Kabuoang 315 gusali ang napinsala ng Lindol


Kabilang na rito tuluyang winasak ng Lindol ang supermakertket building na Southern Trade Shopping Center.

Totally damaged din ang Munisipyo ng bayan ng Magsaysay.

Partially damaged naman ang Padada Police Station, Maria Cleta National High School, Hagonoy National High School.

Matinding pinsala rin ang iniwan sa Matano National High School.

Nakitaan din ng pinsala ang School Building sa Ateneo De Davao University

Nagkaroon din ng landslides sa Digos-Makar Road – Baluyan Section.

Nagdeklara na rin ng State of Calamity sa bayan ng padada.

Samantala, 18 bayan at siyudad sa Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat ang nakaranas ng pagkaputol sa supply ng kuryente dahil sa Lindol.

Facebook Comments