Halos 18,000 Pasayeño, gumaling na sa COVID-19

20

May 17,898 na Pasayeños na ang gumaling sa COVID-19, 82 rito ay bagong gumaling.

Ito ay batay sa ulat ng Pasay City Information Office.


Umakyat naman sa 19,472 ang total confirmed cases, sa bilang na ito 1087 ay active cases habang 98 ang bagong naitalang kaso.

Sa pagtaas naman ng bilang ng COVID-19 active cases, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalang lokal ng Pasay para agarang mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR Testing, Isolation and Treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Hinihingi rin ng Pasay government ang kooperasyon ng kanilang mga residente para mapigilan pa rin ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.

Samantala, para sa pag-report ng COVID-19 cases, tumawag sa hotline number: (0956)7786524.



Facebook Comments