ILOCOS REGION – Dumating sa Ilocos Region ang karagdagang 179, 510 na COVID-19 Vaccine.
Kabilang dito ang Pfizer Vaccine na mayroong 97, 110 doses at 82, 400 na doses ng Sinovac.
Ayon sa DOH- CHD1, gagamitin ang bakuna para sa first dose at second dose ng mga eligible group.
Sa ngayon nasa 1. 6 milyong bakuna na ang naiturok sa A1-A5 priority group rehiyon.
Patuloy naman ang panawagan ng ahensya na magpabakuna kasabay ng pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Facebook Comments