Halos 1,900 aplikante, na-hire sa online job fair na isinagawa ng DOLE

Tinatayang nasa 1,900 na aplikante ang nabigyan ng trabaho sa kakatapos lang na online job fair na isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-87 anniversary.

Sa naturang job fair, aabot sa 21,000 na trabaho ang alok ng ahensya mula sa 600 local employers at 15 licensed recruitment agencies.

Inaasahan madaragdagan pa ang bilang ng mga maha-hire na aplikante sakaling makapagpasa na ang mga ito ng additional requirements sa kanilang prospective employers.


Facebook Comments