Halos 1,900, lalahok sa mga lalahok sa real-world study ng COVID-19 vaccine sa bansa

Umabot na sa 1,823 indibidwal ang na-recruit ng Department of Science and Technology (DOST) para makilahok sa yearlong real-world study ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, patuloy silang nangangalap ng iba pang nais lumahok sa post-COVID 19 vaccination surveillance project.

Aniya, pinangungunahan ni Dr. Regina Berba ng University of the Philippines Manila ang 12-buwang surveillance program na sinimulan noong Hulyo.


Paliwanag pa ni De la Peña, kasama rin sa pag-aaral ang Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Local Government Units (LGUs) at ang Department of Health (DOH).

Facebook Comments