Halos 19,000 bilang ng mga hindi rehistradong sasakyan, nahuli ng LTO nitong buwan ng Mayo

Abot sa halos 19,000 na mga hindi rehistradong sasakyan ang hinuli nitong buwan ng Mayo.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, kabilang sa hinuli ay nasa 12,206 na hindi rehistradong motor at nasa 3,105 naman na mga tricycle, 1,800 na van at 1,000 private vehicles.

Base sa datos ng LTO, pinakamaraming hinuli ay sa region 4A na umabot sa 9,906 at sinundan naman ng LTO Region 4B at LTO-Region 2.

Hinihimok ni Asec. Mendoza ang mga motorista na i-register ang kanilang mga sasakyan para maiwasan ang mga multa lalo pa’t aabot ng ₱10,000 ang multa sa pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan.

Facebook Comments