Halos 1K foreign athletes, nasa bansa na para sa SEA Games

Nasa 1,000 foreign athletes na sasabak sa 30th Southeast Asian Games ang dumating na sa bansa nitong weekend.

Ayon kay PNP spokesperson Brig/ Gen. Bernard Banac – nasa 8,000 atleta ang inaasahang mananatili sa bansa para sa SEA Games na magsisimula sa November 30 hanggang December 11.

Tiniyak naman ng PNP na handa silang magtalaga ng security escorts sa mga manlalaro kung magsasagawa sila ng rehearsal o praktis.


May mga police assistant desk din sa mga hotel kung saan pansamantalang mananatili ang mga atleta.

Samantala, nakakalat na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para matiyak ang zero casualty sa 12-araw na sporting events.

Facebook Comments