Kabuuang 1, 855 licensed teachers ang sumailalim sa dalawang araw na Assessment and Competency Examination for Teachers in ARMM (ACETA).
Ang ACETA ay bahagi ng application process para sa teaching vacancies sa mga pampublikong paaralan sa Lanao del Sur at Maguindanao.
Sinabi ni ARMM Education Sec. Dr. John Magno, ang serye ng examinations ay pagtatasa sa kahusayan ng mga aplikante bilang bahagi ng mga pagsisikap ng DepED-ARMM na palakasin ang kalidad ng edukasyon sa ARMM.
Pagkatapos ng eksaminasyon, ang mga aplikante ay sasailalim naman sa panel interview at magsasagawa ng teaching demonstration.
Ayon pa kay Sec. Magno, nakapagsagawa na sila ng serye ng competency examinations para sa mga aplikante sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Nais ng kagawaran na masiguro na ang mga guro na kanilang maha-hire ay kwalipikado at may kakayahan, pagtatapos ng kalihim.(photo credit:bpiarmm)
Halos 2, 000 guro sa ARMM, sumailalim sa ACETA!
Facebook Comments