Halos 2.2 million pesos na halaga ng shabu, nakumpiska sa Barangay Tejero, Cebu City

Cebu City – Kumpiskado ng Cebu City Police Office ang halos 2.2 million pesos na halaga ng shabu sa Barangay Tejero, Cebu City.

Nakilala ng mga pulis ang suspek na sina Carlota Alonzo at Ozner Nabua na pinaniniwalaang nauugnay sa drug lord na si Rowen Secretaria sa naturang lugar.

Ayon kay Police Senior Inspector Narrolf Tan, team leader ng Cebu City Intelligence Branch, itinuturing nilang high value target ang dalawang suspek dahil posibleng may koneksyon ang mga ito sa bentahan ng droga sa loob ng Cebu City Jail.


Samantala, todo tanggi naman ang mga suspek at iginigiit ng mga ito na hindi sa kanila galing ang mga nakumpiska na iligal na droga.

Facebook Comments