Halos 2 Libong Pamilya sa Santiago City, Nabigyan ng Libreng Manok

Cauayan City, Isabela- ‘KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN’. Ito ang binigyang diin ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calao East, Santiago City sa kabila ng patuloy na nararanasang krisis dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay SK Chairperson Angelica Jade Mueca, hindi alintana ang pagod ng mga SK officials ang pagod na makapaghatid lang ng tulong sa bawat pamilyang apektado ng krisis.

Giit ni Mueca, importante ang kontribusyon sa lipunan ng mga kabataan lalo pa’t lahat ng pamilya sa bansa ay apektado sa patuloy na banta ng COVID-19.


Kaugnay nito, namahagi ng hygiene kit ang kanilang SK Officials sa kanyang pamumuno dahil batid nito ang pangangailangan para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Gayunaman, bilang tugon sa krisis ay personal na namahagi ng ilulutong manok si Mueca kung saan nabenepisyuhan ang nasa mahigit 1,500 na pamilya sa kanilang lugar.

Tunay nga aniyang maasahan ang kabataan sa iba pang aspeto ng pagtulong.

Sa kabila nito, nagpapasalamat naman ito sa patuloy na umalalay na frontliners para tugunan ang posibleng banta ng virus sa tao.

Facebook Comments