Halos 2-M COVID-19 vaccine, dumating sa bansa

Dumating na sa bansa ang 844,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na binigay ng German government sa pamamagitan ng COVAX facility.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., nagpapasalamat siya sa German government, World Health Organization at sa COVAX Facility sa donasyong mga bakuna na pakikinabanagan ng nasa 400,000 Pilipino.

Aniya, ang nasabing mga bakuna ay ibabahagi sa mga probinsya para maabot din ng mga ito ang population protection.


Aabot naman sa 1,081,080 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno at ng Asian Development Bank ang dumating din sa NAIA Terminal 3 kagabi.

Sa nasabing bilang, 862,290 doses ang ilalaan sa Metro Manila; 141,570 doses ang ibibigay sa Cebu at 64,350 ang ide-deliver sa Davao.

Inaasahan din ang pagdating ngayong araw ng karagdagang 271,440 doses ng Pfizer.

Facebook Comments