Ikinadismaya ng Malacañang ang mahigit 1.7 milyong boto ang nabaliwala dahil sa overvoting.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat alamin ng Comelec ang mga paraan para hindi na maulit ang ganitong pangyayari sa mga susunod na eleskyon.
Ang overvoting ay isang pagkakamali ng botante kung saan sumobra ito ng binoto sa inilaan lamang.
Batay sa datos, umabot sa mahigit 144,000 ang bilang ng overvotes na idineklarang invalid sa Metro Manila.
Sinundan ito ng mga lalawigan ng Cebu, Cavite, Pangasinan, Negros Occidental, Bulacan, Rizal at Laguna.
Nabatid na lahat ng nabanggit na lugar ay itinuturing na vote-rich provinces.
Facebook Comments