HALOS 2-MILYONG PINSALA SA AGRIKULTURA SA BAYAN NG MANGALDAN, NAITALA DAHIL SA NAGDAANG BAGYONG EGAY

Hindi lang mga tao ang naapektuhan ng nagdaang bagyong Egay kundi pati na rin ang sektor ng Agrikultura partikular na sa bayan ng Mangaldan na lubhang naapektuhan ang ilang taniman dito.
Base sa inisyal na monitoring ng Mangaldan Municipal Agriculture halos dalawang milyon ang danyos o pinsala sa mga taniman sa bayan dahil sa hagupit ng bagyong Egay na may kasamang hangin at pag-uulan na nagdudulot ng pagtaas ng tubig sa mga taniman.
Lubhang naapektuhan ang tanim na mga palay at mga pananim na mais kung saan ang mga ito ay nalubog sa tubig at dahil malakas ang hangin nagsitumbahan na rin ang mga ito.

Ayon kay Municipal Agriculturist Merle Cuison-Sali, patuloy ang isinasagawa ng tanggapan sa pag-aassess sa mga tanimang naapektuhan dahil aniya hindi pa nakumpleto ang assessment sa lahat ng taniman sa bayan nang sa ganoon ay makumpleto rin ang itinuturing na damage report.
Sa ngayon humihingi pa ng impormasyon ang IFM Dagupan sa Provincial Agriculture ng kabuuang datos ng pinsala sa agrikultura sa lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments