Halos 20 katao, patay sa election-related violence sa BSKE 2023 – Comelec

Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 19 katao ang nasawi sa mga karahasang may kaugnayan sa Barangay at Kabataang Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Karamihan din sa mga napatay ay mga supporter o kamag-anak ng mga kandidato.


Gayunpaman, mas mababa aniya ang bilang na ito kumpara sa mga naitalang halos 100 nasawi noong BSKE 2018.

Nakapagtala rin ang Comelec ng 19 kataong sugatan dahil sa election-related violence.

Sa kasalukuyan ay nasa kabuuang 113 election-related violence ang naitala ng poll body at patuloy na bineberipika ng mga awtoridad.

Facebook Comments