Tinatayang nasa 15 katao ang nasawi habang halos 500 ang sugatan sa nangyaring magkakasunod na pagsabog sa Bata, Equatorial Guinea.
Ayon kay Equatoral Guinea President Teodoro Obiang, ang dahilan ng pagsabog ay ang kapabayaan sa paggamit ng dinamita sa isang militar base sa nasabing lungsod.
Kaugnay nito, umapela ang ilang ospital para donasyong dugo habang nanghihingi na rin ng tulong ang ilang residenteng biktima ng pagsabog.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang otoridad sa pagsasagawa ng search at rescue operations kung saan inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.
Facebook Comments