Wednesday, January 28, 2026

Halos 20 pamilya, apektado ng nangyaring sunog sa Quezon City; sanhi ng sunog, patuloy na iniimbestigahan ng BFP

Aabot sa 17 pamilya o 74 na indibidwal ang naapektuhan ng nangyaring sunog sa Barangay Culiat, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa mga awtoridad, hindi bababa sa 10 bahay ang tinupok ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Tumagal mahigit isang oras bago tuluyang maapula 3:20 a.m.

Sa ngayon ay pansamantalang mananatili sa evacuation center na itinalaga ng naturang barangay.

Habang patuloy namang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nangyaring sunog.

Facebook Comments