Halos 20 pamilya, nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Caloocan

Umaabot sa 10 bahay ang natupok sa nangyaring sunog sa Villa Maria Street Brgy. 2, Zone-1 sa Sangandaan, Caloocan City.

Nagsimula ang sunog ng alas-3:27 ng umaga kung saan umabot ito ng ikalawang alarma at naapula bandang alas-5:58 ng umaga.

Tinatayang nasa halos 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog at ang iba sa kanila ay nananawagan sa lokal na pamahalaan ng tulong lalo na’t wala silang naisalbang gamit.


Nabatid na pahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa makitid ang dananan at may ilang sasakyan na nakaparada ang pinakiusapan para ilayo muna ang mga ito.

Nagtulong-tulong rin ang mga kapitbahay para maapula ang apoy lalo na’t ilan sa mga nasunugan ay informal settlers.

Patuloy naman na inaalam ng Caloocan City Central Fire Station ang pinagmulan ng insidente habang tinatayang nasa halos P300,000.00 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok.

Facebook Comments