Halos 200 aftershocks, naitala kasunod ng serye ng lindol sa Batanes

Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga provincial engineers sa Batanes na tiyaking ang mga bagong itatayong istraktura ay naaayon sa building code.

Ito ay matapos tumama ang magkakasunod na lindol sa lalawigan.

Ayon kay Phivolcs Director, DOST Undersecretary Renato Solidum Jr., karamihan sa mga bahay at gusali sa Batanes ay luma at gawa sa limestone na mabilis bumigay kapag lumindol.


Kilala aniya, ang mga limestone structures sa Batanes dahil hindi ito napapatumba ng mga nagdaang bagyo.

Sinabi ni Itbayat Mayor Raul Sagon karamihan sa mga nasirang istraktura ay mga sinaunang bahay o gusali na itinayo ng mga Ivatan.

Problema pa rin sa ngayon ang suplay ng tubig at komunikasyon.

Hindi pa rin inirerekomenda sa mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Samantala, nagbabala naman ang Phivolcs sa posibleng pag-guho ng lupa.

Sa tala ng Phivolcs, nakapag-record sila ng 194 aftershocks kung saan 11 ay naramdaman sa isla.

Facebook Comments