Halos 200 bansa, hindi handa para sa pandemya ayon sa Global Health Security Index

Hindi naging handa para sa pandemya ang nasa 195 bansa.

Ito ang lumabas sa 2019 Global Health Security Index (GHS), kung saan inaalam ang pagsunod ng mga bansa sa probisyon ng International Health Regulations.

Batay sa pag-aaral, nagkaroon lamang ng average score na 40.12 percent ang 195 bansa pagdating sa health security.


Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, maaaring magsilbing ‘barometer’ ng mga bansa ang pag-aaral para ma-assess nila ang kanilang health security systems na layong maging handa sa mga susunod pang pandemya.

Pero sinabi ni Dela Peña na ang mababang average na naitala sa 195 bansa ay nakakabahala.

Ang overall readiness ng Pilipinas ay nasa 47.6%, mataas kumpara sa global average at nasa ika-53 pwesto.

Ang GHS Index ay iprinisinta ng Pilipinong Scientist na si Dr. Raul Destura sa National Council of the Philippine Annual Scientific Meeting at 87th General Membership Assembly na ginanap online.

Facebook Comments