Halos 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef, pinaalis na ayon sa DND

Pinaalis na umano ang mga Chinese militia vessel sa Julian Felipe Reef.

Kasunod ito ng pakikipag-usap ng mga opisyal ng Armed Forces of the Phiippines (AFP) sa kanilang mga katapat sa China kaugnay ng naturang isyu.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, kanilang iginiit ang utos ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na lisanin na ng 183 Chinese militia vessels ang Julian Felipe Reef na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.


Iginiit umano ng mga kinatawan ng China People’s Liberation Army na hindi tinatauhan ng mga militia ang mga barko.

Sumilong lang umano ang mga ito dahil sa masamang panahon.

Wala pa silang tugon kung kailan aalisin ang mga barko.

Kaugnay nito, inutos naman na ni AFP Chief General Cirilito Sobejana ang deployment ng karagdagang Navy ships para palakasin ang maritime sovereignty patrols sa West Philippine Sea.

Layon nito na tiyakin ang kahandaan ng AFP na protektahan ang teritoryo sa Julian Felipe Reef na pinupuwestuhan ngayon ng 183 Chinese militia vessels.

Facebook Comments