Halos 200 empleyado ng Senado, nabakunahan na

Inihayag ni Senate President Tito Sotto III na umaabot na sa 190 na empleyado ng Senado ang naturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac mula China.

Ayon kay Sotto, ang nabanggit na mga empleyado ay kabilang sa A2 at A3 category sa priority list o yaong mga health workers, senior citizen at with comorbidities o may iniindang sakit.

Sinabi ni Sotto na ngayong araw naman at sa Lunes ay panibagong batch naman ng mga empleyado ng Senado ang babakunahan para maproteksyunan sa COVID-19.


Binanggit ni Sotto na Sputnik V na gawa sa Russia naman ang ibibigay sa kanila.

Magugunitang inianunsyo noon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nag-request ang Senado ng 5,000 doses ng Sputnik V para sa 2,500 Senate employees.

Facebook Comments